(Update) KALIBO, Aklan – Inalis na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang cordon at maaari ng paliguan ang dagat sa Station 1 sa isla ng Boracay.
Ito ay kasunod sa pagkatuklas ng “controversial diaper” na ibinaon ng isang dayuhang turista na umano’y Chinese national.
Batay sa ipinalabas na report ng Environmental Management Bureau (EMB) Region 6, ligtas na mapaliguan ang nasabing baybayin base sa isinagawang coliform test ng water samples na nagpapakitang nasa ligtas na itong lebel.
Samantala, umapela si Major Jess Baylon, hepe ng Malay Police Station sa mga residente, stakeholders at turista na makipagtulungan ang mga ito sa pulisya sa pamamagitan ng pag-report kaagad sa kanila ng mga insidente na nangyayari sa paligid gaya na lamang sa nag-viral na video kung saan sangkot ang mga dayuhang turista.
Ayon sa opisyal, may environmental laws na ipinapatupad ang lokal na pamahaalaan ng Malay, Aklan na dapat sundin ng lahat at upang maaresto kaagad ang mga lumalabag nito.