-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagulat ang isang nag-aalaga ng baboy makaraang manganak ang kanyang inahing baboy ng biik na may dalawang ulo na magkadikit sa Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mar Balauag, 30, residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela na normal naman ang 13 tatlong biik nang ipinanganak ng kanyang baboy subalit nagulat siya dahil noong lumabas ang pang-14 na biik na lalaki ay mayroong dalawang ulo.

Matagal na anya siyang nag-aalaga ng baboy subalit ngayon lamang siya nakakita ng nasabing itsura ng biik.

Sinabi pa ni Balauag na kasalukuyan pa nilang ginagamot ang biik na mayroong dalawang ulo dahil sa mahina ito.

Ang biik ay tumitimbang ng isang kilo.

Samantala, inihayag ni Dr. Manny Galang, isang veterinarian na ang pagkakaroon ng dalawang ulo ng biik ay ang tinatawag sa veterinary medicine na congenital anomaly.