Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nangyaring dalawang magkahiwalay na suicide attacks sa Kampala, Uganda.
Sa nasabing pagsabog ay nasawi ang tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang sibilyan at isang pulis at
ikinasugat ng 36 na iba pa.
Ayon sa ISIS-affiliated Amaq News Agency na mayroong tatlong fighters ang nagpasabog ng bags na naglalaman ng mga bomba.
Dalawa sa mga bombers ang sumabog malapit sa Kampala Central Police Station at ang pangatlo naman ay sa may parliament building.
Umabot naman sa 81 mga katao na hinihinalang nasa likod ng pagpapasabog ang inaresto ng mga otoridad.
Nanawagan si Ugandan President Yoweri Museveni sa mga mamamayan nito na maging maingat at isumbong sa mga otoridad ang mga nakikita nilang kahina-hinalang mga tao sa mga pampublikong lugar.