-- Advertisements --
Inako ng Islamic State (IS) ang pang-aatake sa central prison sa Jalalabad, Afghanistan.
Ang nasabing atake ay nagresulta sa pagkasawi ng 29 katao at mahigit 1,000 preso ang nakatakas.
Ayon sa imbestigasyon, gumamit ng mga suspek ng car bomb at ito ay pinasabog sa entrance.
Napatay naman ng mga otoridad ang walong suspek.
Aabot sa 1,793 na mga inmates at karamihan sa mga dito ay mga Taliban at IS fighter.
Inaalam pa ng mga otoridad kung ang nasabing atake ay isinagawa para patakasin ang mga suspek.
Naibalik na sa kulungan ang 1,025 habang 430 ang nailigtas at mahigit 50 naman ang nasugatan.
Nangyari ang atake sa ikatlo at huling araw ng temporary ceasefire sa pagitan ng Afghan government at Taliban.