-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakahanda umanong tanggapin at makipag-ugnayan ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa mga local ISIS inspired groups at hikayatin ang mga ito na sumuko upang maging bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na siyang tumatayong chairman ng defunct Bangsamoro Transition Commission (BTA), bukas sila sa pakikipagdayalogo sa mga ito na mismong pangungunahan ni Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim.

Hihikayatin umano ng BTA ang mga ito na maging bukas sa pakikipag-usap dahil ang pagtayo ng BARMM ay simula pa lamang ng peace and development efforts ng gobyerno.

Ipinasiguro din ng BTA na hindi lamang sa mga local ISIS inspired groups sila nakahandang makipag-usap kundi sa lahat ng mga grupo na hindi sumusuporta sa BARMM kabilang na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pa.