-- Advertisements --

sandal5

Arestado ang isang ISIS-inspired terrorist na sangkot sa Marawi siege sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), Special Action Force (SAF) at Lanao del Sur Police Provincial Office nuong Linggo sa Barangay Fort, Marawi City.


Sa report ni PNP AKG Director BGen. Jonnel Estomo kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na ang suspek ay kabilang sa mga teroristang sumakop sa siyudad ng Marawi.

Isinilbi ng mga tropa ng gobyerno ang warrant of arrest laban sa suspek na si Nabil Sandab Tomara aka Nabel Sandab aka Abu Khalifa na nahaharap sa patung-patong na kaso gaya ng multiple murder at paglabag sa RA 10591.

sandal6

Naaresto ang suspek sa mismong bahay nito sa Barangay Raposan, Marawi City.

Ayon Estomo, base sa intelligence report ang co-accused ng suspek na si Zacaria Benito alias Abdula ang siya umanong tumatayong bagong lider ng ISIS-inspired local group na nag ooperate sa Lanao del Sur.

Kasalukuyang nakakulong sa Marawi City Police Station ang suspek matapos sumailalim sa documentation and booking procedure.