Ibinunyag ng Pentagon top police official na may kakayahan na ang ISIS-K na atakehin ang Estados Unidos sa susunod na taon.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Armed Services Committee, sinabi ni Undersecretary of Defense for Policy, Colin Kahl na ang grupo ay walang kakayahang magsagawa ng ganoong pag-atake sa ngayon, ngunit nakikita nilang mabubuo ng ISIS-K ang kakayahang iyon sa pagitan ng anim o 12 buwan.
Idinagdag pa niya na aabutin ang al-Qaeda ng isang taon o dalawa upang muling itayo ang kakayahang iyon.
Binalangkas ni Kahl ang pinakamabilis na timeline mula sa isang miyembro ng gobyerno ng US kung gaano kabilis ang organisasyong terorista na nakabase sa Afghanistan na pumatay ng 13 miyembro ng US service members noong huling bahagi ng Agosto sa pamamagitan ng suicide bombing sa Kabul na maaaring magdulot ng banta sa homeland ng Amerika.
Magugunitang nauna nang sinabi ni Joint Chiefs Chairman Gen. Mark Milley na ang banta ng terorismo mula sa Afghanistan ay mas mababa kaysa noong Setyembre 11, 2001, ngunit ang ISIS-K o al-Qaeda ay maaaring muling buuin sa loob ng maikling panahon.