-- Advertisements --

Kinumpirma ng US Central Command na naglunsad sila ng airstrike gamit ang unmanned vehicle sa Afghanistan sa lugar kung saan doon nagtatago ang teroristang ISIS-K na nasa likod ng suicide bombing sa Kabul airport.

Sa statement na inilabas ni US Central Command spokesman Capt. Bill Urban, isinagawa raw ang unmanned airstrike sa Nangahar province kung saan doon daw nagtatago ang ISIS-K planner.

US unmanned vehicle

Kung maalala umaabot sa 170 ang patay at mahigit 200 naman ang sugatan sa naturang madugong pag-atake.

“U.S. military forces conducted an over-the-horizon counterterrorism operation today against an ISIS-K planner. The unmanned airstrike occurred in the Nangahar Province of Afghanistan. Initial indications are that we killed the target. We know of no civilian casualties,” ani Capt. Urban.

Kumpiyansa naman ang US military na ang isinagawa nilang over-the-horizon counterterrorism operation ay nagreresulta sa pagkapatay sa kanilang target.

Wala rin namang nadamay daw na sibilyan.

Una na ring tiniyak ni US President Joe Biden na gaganti sila at hindi palalagpasin ang ginawang terorrist attack na nadamay pa ang maraming inosenteng sibilyan.

Samantala ang ISIS-Khorasan ay mula sa terminology sa mga lugar ng Afghanistan at Pakistan.

Kung maalala ang ISIS ay unang lumutang sa bansang Iraq at Syria.

Ang ISIS naman na kumikilos sa Afghanistan ay kaalyado nila sa idolohiya at taktika.

Ayon sa US intelligence officials ang ISIS-K ay maliit lamang ang bilang na mga miyembro at mga beterano daw ito na jihadists mula sa Syria at iba pang foriegn terrorist fighters.

Sinasabi ng ilang anti-terrorism experts, ang ISIS-K ay matinding kalaban ng Taliban na siyang may kontrol na ngayon sa gobyerno ng Afghanistan.

Ang ISIS-K ay kinikilalang mas matindi pa ang pagiging ekstremista at nais daw nilang pahiyain ang Taliban.