-- Advertisements --

Napatay ng US forces ang Islamic State leader na si Bilal al-Sudani at 10 nitong kasamahan sa isang operasyon sa northern Somalia.

Ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin na isinagawa ang operasyon sa isang masukal na kuweba sa isang bundok.

Plano sana nila itong arestuhin subalit nagawa pa niyang makipaglaban sa mga US operatives.

Si Al-Sudani kasi ang responsable sa pamamayagpag ng mga ISIS sa Africa kung gsaan siya rin ang nasa likod ng mga terror attack sa ibang bahagi ng mundo.