-- Advertisements --
Napatay ng mga French forces ang lider ng Islamic State sa Greater Sahara (ISIS-GS).
Ayon sa French government napatay nila si Adnan Abou Walid al Sahraoul sa pamamagitan ng drone strike sa Mali.
Naging susi sa pagkakapatay sa ISIS leader ang ginawang paghahanap ng mga militar at intelligence agents.
Ikinatuwa naman ni French President Emmanuel Macron ang pagkakasawi sa nasabing ISIS leader.
Nabuo ang ISIS-GS noong 2015 matapos na humiwalay si al Sahraoul mula sa al Qaeda associate na al-Murabitun group.
Inako ng grupo ang pag-ambush sa US Forces na nakatalaga sa Niger noong 2017 na ikinasawi ng apat na sundalo ng US.