Tinitingnan ngayon ng gobyerno ng Sri Lanka ang posibilidad na nakipagtulungan ang local islamist group na National Thowheeth Jama’ath sa Islamic State Group o ISIS upang isagawa ang pagpapasabog sa ilang gusali sa kanilang bansa.
Sa pamamagitan ng kanilang news outlet, naglabas ang mga ito ng opisyal na pahayag at inako ang nasabing insidente ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon patungkol dito.
Kalakip nito ang imahe ng walong kalalakihan na nagsagawa ng pag-atake.
Noong Marso lamang ay unang napagbagsak ang kanilang teritoryo ngunit nagbigay babala naman ang mga eksperto na hindi raw ibig sabihin nito ay tuluyan nang napabagsak ang IS at kanilang paniniwala. n
“This could not have been done just locally. There had been training given and a coordination which we are not seeing earlier,” saad ni Sri Lanka Prime Minister Ranil Wickremesinghe.
40 hinihinalang suspek na ang inaresto ng mga otoridad kung saan lahat ay Sri Lankan nationals habang umakyat na sa 321 ang nasawi sa pagsabog.
Sa ngayon ay tinitingnan pa ang maaaring koneksyon nito sa terror attack na naganap sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand noong Marso.