ZAMBOANGA CITY – Patay sa engkwentro laban sa pwersa ng militar ang isang ISIS IED expert sa inilusnad na operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf group sa Sitio Tubig Amu, Barangay Tanum, Patikul, Sulu.
Nakilala naman ang napatay na terorista na si Talha Jumsah alias Abu Talha na isang high valued target ng AFP sa Sulu.
Ayon sa impormasyon, si Abu Talha ay isang veteranong IED expert na nagsilbing instructor ng Abu Sayyaf group na responsable sa ilang mga suicide bombing attacks sa nasabing area at siya ring nagsisilbing finance conduit at liason sa pagitan ng mga Local at foreign terrorist groups.
Ayon sa impormasyon na ibinigay ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Major Arvin Encinas sa Star FM Zamboanga, ang bangkay ng nasabing terorista ay na-recover sa nasa 800 meters palayo mula sa nasabing encounter site.