-- Advertisements --

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Kasama niya ang running-mate na si Chi Atienza sa filing.

Bago nagsumite ng kandidatura, nagmartsa muna ang grupo ng dating alkalde mula sa Arroceros Forest Park hanggang sa may Kartilya ng Katipunan.

Una nang sinabi ni Isko na ngayong araw siya maghahain dahil pinauna muna niya ang mga kasamahan sa partido.

Nabatid na siya ang tumatayong presidente ng Aksyon Demokratiko na itinayo ng yumaong si dating Sen. Raul S. Roco.

Noong nakaraang linggo, naghain na ng kandidatura si incumbent Manila Mayor Honey Lacuna.

Nang mahingan ng mensahe para sa dating kasamahan na si Mayor Isko, sinabi nito ang mga katagang “huwag ka nang bumalik.”

Ang nasabing video ng Bombo Radyo ay mabilis na naging trending clip sa buong bansa.

Pero sinagot lamang ito ni Moreno ng “peace be with you.”

Todo suporta naman kay Isko ang kaniyang pamilya, lalo na ang anak at young actor na si Joaquin.