-- Advertisements --

CEBU – Patuloy pa rin na nakakaranas ng pag-ulan sa isla ng Cebu dahilan na mas dumarami pa ang mga naiulat na pagbaha.

Gaya nalang nang ilang bahagi ng Transcentral Highway sa Upper Buli, Barangay Cansomoroy sa Balamban, Cebu ito ay dahil narin sa walang humpay na pag-ulan.

Maliban dito, patuloy ang ginagawang evacuation sa mga apektadong lugar gaya nalang nang sa Barangay Dumlog at Biasong sa Talisay City Cebu dahil sa tumataas na tubig baha.

Mas dumarami narin ang mga karsada sa probinsiya na pansamtalang hindi madaan dahil nagkabiyak-biyak nga ito gaya nalang sa Sogod-Tabuelan Road -Toledo-San Remigio Road.

Pina-alalahanan na ang mga motorista lalong-lalo na ang may apat na gulong na sasakyan na wag nang ipilit pang dumaan sa lugar dhil tanging mga motorsiklo lang ang kaya nito.

Samantal, may isang verified na casualty na ang natala na mula sa Brgay. Poblacion Oslob, 22 anyos na lalaki , ang namatay dahil sa landsalide at patuloy pang veniverify kung may iba pa bang causalty sa ubang lugar.

Payo ng otoridad sa publiko na manatiling alerto lalong lalo nat hindi parin tumitigil ang pag-ulan at maaring magdulot pa ito ng iba pang pinsala o insidente.