Napanatili ni Islam Makhachev ang kaniyang status bilang Number 1 sa Pound-for-Pound list sa mixed martial arts (MMA).
Nagawa ni Makhachev na mapanatili ang estado kasunod ng magandang laban na kaniyang ipinakita nang patumbahin si Dustin Poirier.
Ang naturang laban ang tanging pinasok ng undefeated MMA fighter sa nakalipas na 12 buwan.
Sa kasalukuyan ay hawak ni Makhachev ang record na 26 wins at isang pagkatalo. Pero mula noong 2015, sunod-sunod na niyang naipanalo ang 14 fights.
May pagkakataon siyang patunayan ang kaniyang lakas sa nakatakda niyang laban sa January 18, 2025 kontra kay Arman Tsarukyan sa UFC 311.
Samantala, bilang top fighter sa Pound-for-Pound list, ilang mga bigating fighter din ang inaasahang ihaharap kay Makhachev sa susunod na taon, tulad nina Alex Pereira, Alexandre Pantoja atbpa.
Sa Pound-for-Pound list, sumusunod kay Makhachev sina Ilia Topuria, Pereira, Pantoja, Belal Muhammad, atbpa.