-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakarekober at nakalabas na sa Cotabato Regional Medical Center ang isang Islamic preacher at kauna-unahang COVID-19 positive sa Rehiyon 12.

Ayon kay Dr. Helen Yambao, chief ng CRMC, matapos ang dalawang linggo na pananatili sa isolation room sa Cotabato Regional Medical Center ay gumaling ang nasabing COVID-19 positive patient.

Ngunit, may apat (4) pa na pasyente na itinuturing na Person Under Investigation (PUI) at naka-confine ngayon sa Regional Hospital.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay DOH-12 Health Education and Promotion Officer Arjhon Gangoso ang nasabing pasyente ang pinakaunang nakumpirma na positibo sa coronavirus sa Socksargen.

Si PH145 ang isa sa 215 Filipino Muslim religious leaders na dumalo sa “Tabligh” o religious gathering in Kuala Lumpur noong Pebrero 27 – Marso 1 kung saan nasa 16,000 ang mga dumalo at ang nasabing pagtitipon ang itinuring ng Malaysia na most Covid-19 infection event.

Kasama nito ang unang namatay na sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.