-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakatutok sa ngayon ang mga Islamic Scholars sa buong mundo sa ipapatupad na Sharia law sa Afghanistan matapos na makubkob ng Taliban ang nabanggit na bansa.

Ito ang inihayag ni Atty. Habbas S. Camendan, Chairman for Bangsamoro, Mindanao People’s Peace Movement sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Camendan, sakaling sistema ng ISIS on high extremism ang ipapatupad ng mga ito ay malayong-malayo sa Islamic law na sinusunod sa ibat-ibang bansa sa Saudi Arabia, Libya, Syria, Iran at iba pa.

Alam umano ng mga Islamic countries na ang Taliban ay nagmula sa Al-qaida na pinamumunuan ni Bin Laden ang utak ng September 11 attack at naging ISIS na nagsasagawa ng madugong mga krimen.

Kaugnay nito, nagmistulang bigo umano at nasayang lamang ang lahat na pingahirapan ng US sa loob ng 2 dekadang pakikidigma dahil bigo itong labanan ang terrorismo sa nasabing bansa.

Ito ay dahil kahit napatay na si Bin Laden ay hindi naman umano naubos ang mga terrorista sa halip nagsanib pwersa ang mga ito para sa pagsakop sa Afghanistan at nagtagumpay pa ang mga ito.

Sa ngayon, pinangangambahan na maging breeding ground ng mga terroristang organisayon ang Afghanistan at posibleng gumawa ng “state sponsored terrorism” ngayong nasa kamay na ng Taliban ang nabanggit na bansa.