-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Islamic State (IS) group ang pagkamatay ng kanilang leader na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Kasabay nito, isinapubliko na rin ng teroristang grupo ang pagkakakilanlan ng bago nilang pinuno.

Ayon sa Amaq news agency na kontrolado ng IS, napili bilang hahalili kay Baghdadi si Abu Ibrahim al-Hashemi al-Qurayshi.

Maaalalang natunton ng US special forces ang lokasyon ni Baghdadi sa bahagi ng north-west Syria nitong weekend at sinalakay ang kanyang compound.

Nakatakas naman ang IS leader ngunit nagpakamatay ito kasama ang dalawang bata gamit ang isang suicide vest.

Idineklarang leader si Baghdadi ng grupo noong 2014 nang mapasakamay ng IS ang kontrol sa malaking bahagi ng Iraq at Syria.

Samantala, kinumpirma rin ng IS ang pagkamatay ng kanilang tagapagsalita na si Abu al-Hasan al-Muhajir, na napaslang naman sa hiwalay na joint US-Kurdish operation noong Oktubre 27. (BBC)