Inamin ng Islamic State militants na sila ang responsable sa pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi city nitong linggo na ikinasawi ng 4 na katao at ikinasugat ng 50 iba pang indibidwal.
Nangyari kasi ang pagsabog ng bomba sa kasagsagan ng isang misa sa loob ng gymnasium ng unibersidad sa Marawi na una ng kinubkob ng Islamist militants sa loob ng 5 buwan noong 2017.
Sa isang telegrama, inamin ng grupo na pinasabog ng kanilang miyembro ang eksplosibo sa naturang unibersidad.
Bago pa ang claim ng Islamic state group, una ng tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos jr na ang dayuhang terorista ang nasa likod o responsable sa pagsabog sa unibersidad.
Una ng sinabi din ni Armed Forces of the Philippines chief Romeo Brawner na posibleng o rataliatory attack o pagganti ang nangyaring pagsabog kasunod ng pagkakapatay sa lider ng Dawlah Islamiya-Maute group nitong linggo din doon sa Lanao del Sur.