-- Advertisements --
Inamin na ng Islamic State na sila ang dumukot at pumatay sa Canadian citizen na si Kirk Woodman sa Burkina Faso noong Enero.
Nakita ang katawan ng biktima noong January 16, dalawang araw matapos itong dukutin ng mga armadong kalalakihan sa isang mining site na ino-operate ng Vancouver-based Progress Minerals.
Ayon sa mga opisyal ng Burkina Faso, binaril umano ang biktima saka itinapon sa isang disyerto.
Sa pahayag naman na inilabas ng Islamic State, idinetalye nito kung paano nili dinakip at pinatay ang Canadian geologist at ipinakita rin nila ang di-umano’y driver’s license ng biktima.