-- Advertisements --

Pinangalanan na ng Islamic State (IS) ang kanilang bagong lider na si Abu Hasan al-Hashemi al-Qurashi.

Si Abu Hasan ang ikatlong lider ng jihadist group.

Base sa inilabas na audio statement ng IS, si Abu Hasan ay itinalaga ni Abu Ibrahim bago siya mamatay.

Kakaunti lamang ang impormasyon hinggil sa bagong lider ng teroristang grupo na lumitaw noong mga panahon na humina ang grupo matapos ang mga isinagawang operasyon ng US sa Iraq at Syria.

Kaugnay nito, kinumpirma din ng bagong tagapagsalita ng IS na si Abu-Omar al-Muhajjir ang pagkamatay ng kanilang leader na si Abu Ibrahim al-Qurashi at official Islamic State group spokesman na si Abu Hamza al-Qurashi isang buwan ang nakakalipas.

Ayon sa White House at US defence official, nasawi ang Islamic State leader na si Abu Ibrahim matapos nitong pasabugin ang sarili para matakasang madakip sa isinagawang raid ng Amerika sa northwest Syria na kontrolado ng jihadists group.