Positibo ang Armed Forces of the Philippines (AFP)na nasa Marawi City pa rin si ASG leader Isnilon Hapilon kasama ang mga dayuhang terorista partikular sa lugar kung saan napaslang ang 12 miyembro ng Philippine Marines.
Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, na ang lugar kung saan nasawi ang 13 sundalong Marines ay pinagpupugaran ng mga matataas na lider ng Maute kabilang na si Isnilon Hapilon at mga banyagang terorista, indikasyon dito na matindi ang pwersa ng grupo.
Naniniwala din ang militar na bukod sa presensiya ni Hapilon sa lugar, malaki rin ang posibilidad na nasa Lilod Madaya ang maraming sibilyan na bihag ng Maute group.
Sa ngayon, pumalo na sa 58 na mga sundalo at pulis ang napapatay sa halos tatlong linggo nang labanan sa Marawi City.
Batay sa datos ng militar, umabot na rin sa 140 na mga terorista ang napapatay at umabot na rin sa 21 na mga sibilyan ang nasawi.
Samantala, sinabi ni Padilla na naka pokus ngayon ang opensiba ng militar sa urban operation at closed quarter combat.
Bagamat paminsan minsan ay naglulunsad sila ng airstrike.