-- Advertisements --

Makakaranas ang National Capital Region (NCR) ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang rain showers o thunderstorms ngayong Linggo ng Pagkabuhay dahil sa localized thunderstormsm.

Kasabay nito, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa posibilidad ng flash floods o landslides kapag nagkaroon ng severe thunderstorms.

Sinabi rin ng PAGASA na ang tinatawag na northeasterly surface windflow ay nakakaapekto sa extreme Northern Luzon.

Samantala, ang coastal waters naman ay inaasahan na magiging moderate hanggang sa matindi ang mga alon sa seaboards ng Northern Luzon.

Pero sa iba namang bahagi ng bansa, ang coastal waters ay magiging slight to moderate.