Maaaring makaapekto ang isolated thunderstorm sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon ayon sa state weather bureau.
Ayon sa ahensiya, maaaring makaapekto ang isolated thunderstorm sa Negros island bandang hapon at gabi.
Sakali kasi na magkaroon ng thunderstorms, maaari aniya itong makaapekto sa abong ibinuga ng bulkan sa parte ng Negros.
Una na ngang nagbuga ang bulkan ng hanggang sa 4,000-meter na abo nitong hapon ng Lunes na napadpad sa kanluran-timog kanlurang direksiyon.
Nasa tinatayang 1,669 tonelada naman ng asupre ang ibinuga nito kahapon nang sumabog ito. Nakapagtala din ng 20 volcanic earthquake sa bulkan.
Sa kasalukuyan nakataas ito sa Alert Level 3 kayat ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 km radius permanent danger zone at ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan.