-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binuksan na ang 14 bed isolation center sa bayan ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Nanguna sa inagurasyon sa COVID-19 isolation center sina Mayor Datu Ramil Dilangalen at Vice-Mayor Mary Jane Bayam.

Nasa gitna ng sakahan ang isolation facility sa Brgy Gayonga sa Northern Kabuntalan at malayo sa taumbayan.

Bisita sa aktibidad si BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua kasama si MBHTE Assistant Minister Atty. Haron Meling.

Suportado ng Bangsamoro government ang lahat nang hakbang ng LGU-Northern Kabuntalan kontra COVID at lahat ng magagandang adhikain lalo na sa kapakanan ng mamamayan.

Maganda at maginhawa ang isolation center dahil nasa gitna ng sakahan kung saan kompleto ito ng gamit gaya ng sabon, alcohol, mga kumot, TV, electric fun at iba pa na sagot lahat ng LGU.

Lahat ng mga LSIs at ROFs ay deritsong i-quarantine sa isolation center.

Todo pasasalamat naman si Mayor Datu Ramil Dilangalen sa lahat ng mga residente sa Northern Kabuntalan sa kooperasyon at pakipagtulungan nila sa lokal na pamahalaan.