-- Advertisements --
Naglagay ang International Committe of the Red Cross (ICRC) ng isolation facility sa Quezon City Jail Complex sa Payatas.
Ayon kay ICRC head of delegation in the Philippines Boris Michel, na nakipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng bansa para matugunan ang pagsisikip ng mga kulungan sa bansa.
Dagdag pa nito na mahalaga ang social distancing kaya naisipan nilang maglagay ng isolation facility.
Ang isolation facility ay siya ring itatayo sa San Fernando District Jail sa Pampanga, Pagbilao District Jail sa Quezon at sa New Bilibid Prison Complex sa Muntinlupa City.
Magugunitang isang inmate ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang namatay dahil sa dinapuan ng hinihinalang coronavirus disease 2019 o COVID-19.