-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Halos puno na ang mga isolation facilities sa probinsya ng Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni Intergrated Provincial Helath Office (IPHO-Cotabato) Chief Dr Eva Rabaya.

Nangangamba ang mga Medical Frontliners na mapuno ang isolation rooms sa mga ospital sa probinsya maging ang ‘local quarantine facilities’.

Sinabi ni Rabaya siguradong mapupuno ang mga pasilidad ng mga pagamutan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid 19.

Dagdag ni Rabaya ang kaso ng M’lang District Hospital kung saan may pagkakataon na umakyat sa 20 ang covid-19 patients, tatlo na lang at abot na nito ang full capacity, habang ang ilan ay nasa waiting list para sa ‘admission’.

“Kahit na ang iba pang isolation facilities sa iba’t ibang mga lokalidad ay malapit na ring mapuno,” ani Rabaya.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Dr. Rabaya ang kanilang local health frontliners na magsagawa ng assessment.

Bagaman positibo sa RT-PCR, kung ang pasyente ay ‘asymptomatic’ at nagpapakita ng ‘mild signs’, maaaring irekomenda ang ‘home isolation’.

Sinabi pa ng opisyal na ang ‘severe cases’ mula sa North Cotabato ay ipinapadala sa Cotabato Regional at Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Pinag-aaralan na rin umano na gawing temporary Covid-19 treatment centers ang mga pampublikong paaralan sa probinsya