-- Advertisements --

Sisimulan na ng Israel ang pagbibigay ng ikatlong shot ng Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine sa mga mamamayan nilang may edad 60 pataas.

Ang Israel ang siyang kauna-unahang bansa na magtuturok ng ikatlong COVID-19 vaccine sa buong mundo.

Maari lamang maturukan g booster shot ang mayroong ng 2nd dose ng mahigit na limang buwan.

Nangunguna ang Israel sa mga bansa na naging matagumpay ang vaccination rollout na mayroong maraming mga senior citizens ang naturukan na mula Disyembre hanggang Pebrero.