Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Israel government at grupong Hamas sa pamamagitan ng Qatar at France mediators.
Base sa kasunduan, magpapadala ang Israel ng mga basic supplies at medisina sa sa Gaza, kapalit ng pagpapagamot sa magigit 132 na hostages sa nasabing lugar.
Sumang-ayon naman ang gobyerno ng Qatar na magsilbing tulay para sa kasunduan ng Israel at Hamas.
Ipapadala ng Israel ang mga supplies at medisina sa Doha, Qatar para dalhin patungong Egypt.
Dito, kukunin ng Hamas ang mga ipinadalang supplies, at ipapadala naman ang mga medical supplies para gamutin ang mga hostages.
Kaugnay nito, nauna nang naglabas ng UN report si US State Secretary Anthony Blinken patungkol sa epekto ng giyera sa food security.
Ayon sa kanya, 90 porsyento ng mga tao sa mga lugar na apektado ng giyerang Israel at Hamas ang nakararanas ng matinding gutom, partikular na ang Gaza.
Samantala, umaasa naman ang US Middle East envoy na maging hudyat na ang nasimulang usapan ng Israel at grupong Hamas para sa unti-unting pagpapalaya sa mga hostages sa Gaza.