-- Advertisements --

Nagkasundo na ang Hamas at Israel sa ceasefire deal at ang pagpapalaya sa mga bihag na nasa Gaza.

Ang nasabing kasunduan ay isinagawa matapos ang pulong sa opisina ng Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim al-Thani .

Magkahiwalay na pinulong Qatari Prime Minister ang mga representatives ng Hamas at Israel kung saan kapwa na silang tumugon sa nasabing kasunduan.

Nakasaad sa nasabing kasunduan ang pagpapalaya sa 33 na mga bihag ng Hamas noong lusubin nila ang Israel ng Oktubre 7, 2023.

Kapalit din nito ay papalayain ng Israel ang ilang daang preso na Palestino.

Kapag tuluyan ng naianunsiyo ang nasabing kasunduan ay maaring makabalik na sa northern Gaza ang mga Palestinong sibilyan.

Magugunitang pinangunahan ng US at ilang mga mediator na bansa gaya ng Egypt at Qatar ang pagiging mediator para tuluyan ng matigil ang kaguluhan sa pagitan ng Hamas at Israel.