-- Advertisements --

Nagpalitan ng missile ang Israel Defense Forces (IDF) at Hezbollah sa border ng Lebanon.

Ayon sa Israel na tinamaan ng kanilang fighter jets ang military site ng Hezbollah.

Ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa ginawang pag-atake ng Hezbollah mula sa Lebanon patungo sa mga IDF post sa northern Israel.

Patuloy naman ang pag-abante ng mga tangke ng Israel sa Khan Younis city sa Gaza.

Dahil sa pinaigting ng miitary action ng Israel ay pinayuhan nila ang mga residente doon na lumikas na.

Nagbanta naman ang Hamas na walang bihag ang makakalabas ng buhay sa Gaza hanggang hindi maabot ang prisoner exchange.

Ibinahagi rin ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na maraming mga Hamas militants ang sumuko at sinabing ito ay simula lamang ng tagumpay ng Israel laban sa mga Hamas.