-- Advertisements --

Nagkasundo ang Israel at ang dalawang pangunahing militant group sa Gaza na Hamas at Islamic Jihad na magkaroon ng ceasefire.

Ang nasabing ceasefire ay kasunod ng maraming mga lider ng bansa ang nanawagan matapos ang 11 araw na palitan ng rockets.

Sinabi ni Israeili Prime Minister Benjamin Netanyahu na tinanggap niya kasama ang security cabinet ng Israel ang rekomendasyon mula sa Egypt na magkaroon ng unconditional ceasefire.

Magsisimula ang nasabing ceasefire ala-siyete ng umaga ng Biyernes oras sa Pilipinas.