-- Advertisements --

Sinimulan na ng Israel ang pamimigay ng ikatlong dose ng Pfizer vaccine laban sa COVID-19 sa mga may edad na mayroong mahinang immune system.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng pagkakahawaan ng Delta variant ng COVID-19.

Nauna nang hiniling ng Pfizer -BioNTech ang bakunang ginagamit sa Israel, na payagan sila ng US at European na mabigyan sila ng otorisasyon sa booster shots.

Isa sa dinahilan nila ay muling pagtaas ng infection matapos ang anim na buwan.