-- Advertisements --

Binalaan ng Israel ang Hamas na mayroong matinding mga pag-atake pa silang gagawin kapag hindi nila tinanggap ang panibagong ceasefire deal.

Sinabi ni Israeli Defence Minister Israel Katz, na papalawakin nila ang pag-atake sa northern Gaza.

Kanilang nasakop na rin ang Morag Corridor ang naghihiwalay sa Rafah mula Khan Younis sa southern Gaza.

Dahil dito ay naglabas na sila ng evacuation orders sa mga Palestino bilang matinding pressure sa Hamas.

Una ng sinabi ng Hamas na ang malawakang pag-atake sa Gaza ay hindi nagbibigay ng kasiguruhan na makakabalik na ang mga Palestino sa lugar at tanging prisioners swap lamang ang magaganap.

Kapwa nagpadala na rin ng kinatawan ang Israel at Hamas ng delegasyon para muling simulan ang ceasefire negotations.