-- Advertisements --

Binawasan ng Israel ang araw ng isolation ng mga asymptomatic COVID-19 cases mula sa dating 10 ay ginawa na lamang nila itong pitong araw.

Ayon sa Health Ministry ng bansa na base sa kanilang pag-aaral na ang virus growth rate lamang ay anim na porsyento matapos ang ikapitong araw.

Lumabas din sa kanilang pag-aaral na mababa ang tsansa na magiging nakakahawa ang isang pasyenteng may Omicron pagkatapos ng pitong araw.

Sa ganitong paraan aniya ay makakabalik na sa normal ang kanilang ekonomiya.