Nagsagawa ng targeted raid ang Israel Defense Forces (IDF) sa northern Gaza gamit ang mga military tanks sa nakalipas na magdamag.
Ikinasa ang naturang raid bilang bahagi ng paghahanda ng Israeli forces para sa susunod na stage of combat at pagpunterya sa mga selda ng teroristang grupo, impastruktura at anti-tank missile launch posts.
Samantala, ngayong araw, kinumpirma ng IDF na tinamaan ng kanilang fighter jets ang 250 Hamas targets sa Gaza sa nakalipas na aaraw kabilang ang command centers, infrastructure, tunnels at rocket launchers.
Sa hiwalay na operasyon, nawasak ng Israeli navy ang Hamas surface-to-air missile launch post sa Khan Younis area ng Gaza.
Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang televised speech nito na naghahanda na ang IDF forces para sa ground invasion sa kuta ng Hamas sa Gaza subalit walang inilalabas na detalye kung kailan ito isasagawa.
Inaasahan naman ngayong araw na aapela ang EU leaders para sa tigil putukan para bigyang daan ang agarang humanitarian aid.
Base sa Health Ministry na pinapatakbo ng Hamas, nas ahalos 6,500 katao na ang napatay simula nang sumiklab ang giyera noong Oktubre 7.
Mahigit 1,400 naman ang napatay sa inisyal na pag-atake ng militanteng Hamas sa Israel at nananatili sa mahigit 200 katao ang binihag ng Gaza.