-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagbeberipika ng Israel Defense Forces kung ang Hamas lider na si Yahya Sinwar ang kanilang nakasagupa at napatay.

Si Sinwar ay siyang itinuturong nasa likod ng pag-aatake sa Israel noong Oktubre 7.

Nangyari ang engkuwentro sa ilang mga gusali sa Gaza kung saan matapos ang putukan ay nakita nila ang isang bangkay na kahalintulad ni Siwar.

Gumagawa na ng paraan ang Israeli military and intelligence service gaya ng DNA analysis para tuluyang makilala si Sinwar.