-- Advertisements --
Nakatakdang bumiyahe sa Qatar ang delegasyon ng Israel sa araw ng Linggo.
Ito ay para makipagpulong sa mga mediators na nagsusulong sa tigil-putukan sa Israel at Hamas.
Nasa Qatar din si US Secretary of State Antony Blinken na siyang nanguna sa pagsusulong ng mga peacetalks.
Makakasama sa pulong si CIA chief William Burns, Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani at si Egyptian intelligence chief Hassan Rashad.
Ang nasabing pulong ay tatalakay sa iba’t-ibang options para tuluyan ng mapalaya ang mga bihag ng Hamas at magkaroon ng peace negotiations.
Magugunitang makailing ulit na nagsagawa ng pagpsusulong ng peace talks mula ng magsimula ang labanan ng Israel at Hamas noong Oktubre ng nakaraang taon.