-- Advertisements --

Dumepensa ang Israel sa ginawa nilang airstrike sa Beirut, Lebanon.

Ang nasabing pangyayari ay maituturing na pinakamalaking airstrike kung saan targe nila ang headquarters ng Hezbollah.

Sa nasabing insidente ay anim na gusali ang nasira na ikinasawi ng 2 katao at ikinasugat ng halos 80 katao.

Sinabi Israel Defense Forces Spokesperson RAdm. Daniel Hagar na kaya nila ginawa ang airstrike para tuluyang puksain ang Hezbollah at ng mapayapang mabuhay ang kanilang mamamayan.