-- Advertisements --
Domoble ang bilang ng pagtanggi ng Israel sa mga tulong mula sa United Nations.
Ayon sa UN Humanitarian affairs Office, na sa buwan pa lamang ng Agosto ay maraming mga tulong ang hindi pinapasok na Israel sa Gaza.
Mula Agosto 1 hanggang 29 ay mayroong 199 na mga humanitarian missions ang tinanggihan ng Israel.
Ang nasabing mga humanitarian missions aniya ay mayroong koordinasyon naman sa mga otoridad ng Israel sa northern Gaza.
Makailang beses na ring naglabas ang International Court of Justice ng kautusan na dapat payagan ng Israel ang maraming tulong sa Gaza subalit ito ay hindi sinusunod ng mga Israel.