Sinariwa ngayong araw ang International Holocaust Remembrance Day bilang pag-alala sa mahigit anim na milyong Jews na naging biktima ng Holocaust.
Nangyari ito noong 1930s sa kamay ng German dictator na si Adolf Hitler.
Pinangunahan ang paggunita nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Israel Ambassador to the Philippines His Excellency Ilan Fluss.
Nagsagawa sila ng ceremonial candle lighting sa Philippine-Israel Friendship Marker sa Quezon Memorial Circle.
Noong 1934, binuksan ni dating Pangulo Manuel Quezon ang Pilipinas para sagipin ang aabot sa 1,300 Jewish refugees mula sa mga Nazi.
Kabilang din sa mga nakiisa sa commemoration sina Israel Embassy Deputy Chief of Mission Ester Buzgan, Jewish Community President Salito Malka, Rabbi Refael Mimran, at mga city department head sa pangunguna ni City Administrator Mike Alimurung.