-- Advertisements --

Umalis na ang mga Israeli forces sa Jenin City ganun din sa refugee camp sa West Bank matapos ang siyam na araw na pangunahing operasyon doon.

Ang nasabing lugar na hawak umano ng ng mga militants ay mayroong civilian population na mahigit 60,000.

Nilinaw ng Israel forces na ang operasyon nila ay laban sa terorismo.

Nasa 36 na mga Palestino ang nasawi kung saan 21 dito ay mula sa Jenin governorate.
Maging ang Tubas and al-Faraa refugee camp ay hindi nakaligtas sa ginawang military operation ng Israeli forces.

Una ng kinondina ng maraming bansa ang ginawang pag-atake ng Israel sa Jenin City dahil sa dami ng mga sibilyang nasasawi.