-- Advertisements --

Iginiit naman ni Israeli Defense Minister Yoav Gallant na sila ay mag-isang gagalaw lamang at hindi na hihintayin ang desisyon ng US sa pag-atake sa Iran.

Dagdag pa nito na nakalatag na ang kanilang plano ukol sa pag-atake.

Makikipagpulong din ito sa darating na Miyerkules kay US Defense Secretary Lloyd Austin para maplantsa ang ilang mga hakbang.

Magugunitang nagmatigas ang Israel na gagantihan nila ang Iran dahil sa ginawa nilang pag-atake sa kanila.