-- Advertisements --

Nagsagawa ng airstrike ng Israeli military sa southern Beirut sa Lebanon.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na ang kanilang ginawa ay bilang pagganti matapos na mayroong dalawang projectiles na galing sa Lebanon ang tumama sa Israel.

Tinarget ng Israel ang terrorist infrastructure site kung saan nakatago ang mga Unmanned Aerial Vehicles (UAV) ng Hezbollah na matatagpuan sa Dahiel.

Iginiit pa nila na malinaw na ginagawang human shield ng Hezbollah ang mga sibilyan sa Lebanon.

Dahil sa ginawang airstrike ng Israel ay kinansela ng Lebanon ang pasok sa mga paaralan.

Nakikipagtulungan naman si Lebanese President Joseph Aoun sa US dahil sa may umiiral na ceasefire sa kanila mula pa noong Nobyembre kaya pinagtatakahan nila ang ginawang paglabag na ito ng Israel.