-- Advertisements --
Palestinians mourn over the bodies of Al-Mashharawi family members, who were killed in an Israeli airstrike / Screenshot by (AP / Jehad Alshrafi)

Gumanti nang magkakasunod na airstrikes ang Israel sa ilang lugar sa Lebanon na kumitil ng anim na katao, matapos muling mag-umpisa ng palitan ng putok sa mga militanteng grupong Hezbollah.

Ayon sa Israeli military nagpaputok umano ng anim na rocket ang Hezbollah sa Metula, Israel, malapit sa border ng Lebanon kung saan tatlo sa mga ito ang na-intercept nila.

Inulat pa ng Israeli military ang isinagawang airstrike ay nagpawasak sa mga command centers at rocket launchers ng Hezbollah sa Lebanon.

Una nang iniutos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpapatupad ito ng matinding hakbang laban sa Lebanon, kung saan nakabase ang Iran-backed na grupong Hezbollah.

Samantala ang ginawang airstrike sa Lebanon ay nagdulot naman ng mga pangamba sa posibleng mahinto ang ceasefire.

Pinabulaanan naman ng Hezbollah ang akusasyon ng pag-atake sa Israel at iginiit nilang nananatili silang tapat sa ceasefire.

Nabatid na ang airstrike na isinagawa ng Israel ay umabot sa tatlong rehiyon sa Lebanon kagaya ng Touline sa Southern part ng Lebanon kung saan kumitil ng limang katao kabilang na ang isang bata at humantong sa pag-kasugat ng 10 iba pa.

Damay din ang isang coastal city sa Tyre kung saan isa ang napaulat na napatay at pitong iba pa ang nasugatan, gayundin ang bayan ng Hawsh al-Sayed Ali sa tabi ng border ng Syria kung saan napaulat na limang katao ang nasugatan.

Iniutos naman ni Lebanese Prime Minister Nawaf Salam ang pagbantay sa border ng Lebanon, ngunit iginiit niyang hindi siya sang-ayon sa digmaan.

Ang mga serye ng sunod-sunod na pag-lunsad ng mga airstrike ng Israel ay kabalikat lang sa muli nitong pag bibigay babala hinggil sa mga hostages na nais nitong makuha mula sa Hamas na mayroon pang 59 na iba pang hawak at 24 dito ang pinaniniwalaang buhay pa.

Maalalang mahigit 600 na mga Palestinian ang napatay mula nang muling mag-lunsad ang Israel ng mga airstrike noong Martes taong kasalukuyan upang magbigay pressure sa Hamas na palayain na ang mga bihag nito kasabay pa ng ginagawa ng Israel na pag-papatigil ng suplay ng pagkain, gasolina, at humanitarian aid sa Gaza, na may tinatayang dalawang (2) milyong Palestinian ang apektado.