-- Advertisements --

Lalong lumakas ang tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel matapos ang nangyaring drone attack sa tanker.

Sinabi ni Israel Prime Minister Naftali Bennett na mayroong direktang kinalaman ang Iran sa drone attack sa isang Israeli tanker sa Gulf o Oman noong nakaraang linggo.

Dagdag pa nito na handa silang gumanti sa ginawang ito ng Iran.

Mariing pinabulaanan naman ng Iran ang nasabing akusasyon.

Ayon kay Iranian foreign ministry spokesman Saeed Khatibzadeh na dapat tigilan na ng Israel ang nasabing negatibong alegasyon.

Magugunitang dalawang tripulante ang nasawi sa nangyaring drone-attack sa tanker ng Israel.

Noong nakaraang mga buwan ay may insidente ng naitatalang pag-aatake sa barko ng Iran at Israel.