-- Advertisements --
image 345

Lumalabas sa US Intelligence assessment na hindi ang Israel ang may kagagawan ng nangyaring pagsabog sa Al Ahli Baptist hospital sa Gaza city na ikinasawi ng daan-daang katao noong araw ng Martes, Oktubre 17 ayon kay National Security Council spokesperson Adrienne Watson.

Ito ay base na rin aniya sa resulta ng kanilang pag-analisa ng overhead imagery, intercepts at open source information.

Kinumpirma din ito ni US President Joe Biden sa kaniyang naging remarks sa kaniyang pagdating sa Israel base na rin sa data na ipinakita sa kaniya ng US Defense Department.

Kapwa din naglabas ng statements ang Democratic at Republican leaders ng US Senate at House intelligence committees matapos maipaalam sa kanila ang impormasyon na kumpiyansa silang ang naturang pagsabog ay resulta ng pumalpak na rocket launch at hindi dahil sa military action ng Israel.

Inilabas din ng Israel Defense Forces ang isang recording ng pag-uusap sa pagitan ng 2 kato na sinasabing Hamas operatives. Ayon sa 2 indibidwal ang shrapnel sa ospital ay hindi mula sa bomba ng Israel kundi mula sa rockets na ginamit ng Islamic Jihad.

Sa inilabas ding raw footage ng IIDF, makikita na isang rocket ang pinakawalan na target ang Israel ang lumihis at sumabog dakong 18:59 na parehong oras nang tinamaan ang ospital sa Gaza.

Samantala, una na ring itinaggi ng Hamas na sila ang responsable sa naturang insidente.