-- Advertisements --

Hindi titigil ang Israe Defense Forces na ubusin ang mga nasa likod ng October 7 attack sa kanila.

Ito ay sa kabila ng pagkakapatay nila kay Hamas leader Yahyah Sinwar na siyang utak ng atake.

Sinabi ni Israeli military Chief of Staff Herzi Halevi na hanggang hindi naubos ang lahat ng mga sundalo at mga lider ng nasabing pag-atake ay hindi sila titigil.

Mahalaga rin na mapalaya ang lahat ng mga bihag ng Hamas para tuluyang makamit ang tunay na kapayapaan.

Magugunitang kinumpirma ng Israel na kanilang napatay si Sinwar sa isinagawa nilang military operations sa Gaza.