-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Israel Housing Minister Yaakov Litzman dahil sa pagpapatupad ng pangalawang national lockdown.

Sinabi nito na ang nasabing restrictions ay pagbabawalan ang mga Jews na magdiwang ng kanilang kapiyestahan.

Maapektuhan kasi ang lockdown ang kanilang Yom Kippur ang pinakabanal na araw sa Jewish calendar sa darating na Setyembre 27.

Magiging epektibo ang nasabing lockdown sa Biyernes na unang ipinatupad ang lockdown noong Marso hanggang Mayo.

Nagbanta rin si Litzman na tatangalin niya ang partido sa governing coalition.