-- Advertisements --
Nakatakdang iapila ng Israel sa International Criminal Court ang arrest warrant laban kay Prime Minister Benjamin Netanyahu at dating defence minister Yoav Gallant.
Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas ng ICC judges laban sa dalawa kabilang ang Hamas military commander Mohammed Deif dahil sa mayroon silang sapat na dahilan na nakagawa ang mga ito ng war crimes at crimes against humanity sa Gaza.
Mariing pinabulaanan ng Israel ang nasabing alegasyon na ito ng ICC.
Nais nilang ipagpaliban na lamang ang implementasyo ng warrant of arrests.
Kanila ring kinukuwestyon ang otoridad ng ICC at ang pagiging lehitimo ng nasabing warrant laban kay Netanyahu at Gallant.